Trece Martires City – Sa grand rally ng Alyansa ng Makabagong Pilipino na ginanap sa Provincial Capitol ng Cavite noong Marso 21, 2025, ibinahagi ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang ilang mahahalagang batas na kanyang naipasa na may malaking epekto sa buhay ng mga Pilipino. Kabilang na rito ang Centenarian Act, Kabalikat sa Pagtuturo Act, at ang No Permit, No Exam Policy. Ang mga batas na ito ay nagsisilbing suporta at benepisyo sa mga senior citizens, guro, at estudyante.
Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Senador Revilla ang tungkol sa Centenarian Act, na nagbibigay ng benepisyo sa mga taong umabot na ng 100 taon. Ayon sa kanya, “Sa ngayon, ang coverage ng Centenarian Act ay nagsimula sa 80 taon dahil kung sa 70, hindi pa kakayanin ng budget. Pero susubukan natin na maisama ang 70-anyos pagbalik ko sa Senado. At para masiguro na ang mga benepisyo ay makarating mismo sa mga beneficiaries. Well, tinatrabaho na ng OSCA yan para masiguro ng CSC na maibahagi sa ating mga lolo at lola.” Ipinakita ng pahayag na ito ang kanyang pangako na palawakin ang sakop ng batas upang makinabang ang mas maraming senior citizens.
Ipinagdiinan din ng Senador ang Kabalikat sa Pagtuturo Act na naglalayong magbigay ng allowances para sa mga guro. Aniya, “By June or May, maibabahagi na rin sa ating mga guro ang kanilang mga allowances sa ilalim ng Kabalikat sa Pagtuturo Act. Kaya malaking bagay ang batas na ito para sa mga guro.” Ang batas na ito ay magsisilbing pagkilala at suporta sa mga guro, na may malaking papel sa pagpapalaganap ng edukasyon sa bansa.
Nagbigay din ng pansin si Senador Revilla sa kalagayan ng mga estudyante sa pamamagitan ng No Permit, No Exam Policy na naglalayong tiyakin na hindi madidiskwalipika ang mga estudyante sa pagsusulit dahil sa kakulangan sa permit. “Para naman sa kabataan, mayroon tayong anti-No Permit, No Exam Policy. At sa pagbabalik ko sa Senado, meron akong isusulong na bagong batas na ang pagiging senior citizens ay 56 taon na. Kaya’t 56 Senior citizens ka na,” dagdag pa ni Revilla. Ang mungkahing ito ay magbibigay ng mas maraming taccess sa mga benepisyo at diskwento ng mga senior citizens.
Sa kabuuan, muling ipinakita ni Senador Bong Revilla Jr. ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa mga Pilipino sa pamamagitan ng mga makabuluhang hakbang sa batas. Mula sa pagpapalawak ng mga benepisyo para sa mga senior citizens hanggang sa pagsuporta sa mga guro at estudyante, ang kanyang mga inisyatiba ay nagpapakita ng kanyang layuning mapabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino. Ang “Kaya’t 56 Senior citizens ka na” ay isa lamang sa mga bagong batas na kanyang isusulong upang lumikha ng isang mas inklusibong lipunan para sa lahat.