Nasugbu, Batangas – Halos buong Barangay Wawa ang lumabas upang salubungin at makipagdaupang-palad kay re-electionist Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ang Barangay Wawa, na kilala sa kanyang kamangha-manghang mga rock formations, ay naging saksi sa isang matinding pagpapakita ng suporta mula sa mga residente, na halos lahat ay nagsigawan at nagpasikat bilang tanda ng kanilang pagmamahal at pagsuporta sa senador.



Sa kanyang pagbisita, ipinagmalaki ni Senador Revilla ang kanyang mga matagumpay na batas sa harap ng ilang miyembro ng media. Isa na rito ang Expanded Centenarian Act, kung saan buong puso niyang ibinalita na bukas ay magsasagawa ng seremonya sa Malacañang para sa mga centenarians. Ayon sa senador, “Ipapaalam natin sa mga tao tungkol sa batas para sa ating mga lola at lolo. Bukas, magkakaroon ng seremonya sa Malacañang kung saan ang mga may edad 80, 85, 90, o 95 ay maaari nang kumuha ng kanilang P10,000 na cash gift mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC). Inuulit ko, makipag-coordinate na kayo sa OSCA para sa mabilis na payout. I-register na ang mga pangalan at isumite sa kanila, lalo na ang mga magbe-birthday.”
Ibinahagi rin ni Senador Revilla ang isa pang mahalagang batas na kanyang isinusulong—ang Anti-No Permit, No Exam Policy. Aniya, “Bilang bahagi ng ating mga naipatupad na batas, gumagana na ang Anti-No Permit, No Exam Policy. Hindi na pwedeng hindi kumuha ng exam ang mga kabataan natin o mga estudyante dahil sa hindi pa nababayarang fees o requirements. Naiintindihan natin kung gaano ito kabigat sa mga estudyante, kaya’t masaya tayo at may batas na ngayon upang matugunan ang problemang ito. Kaya magtiwala kayo, patuloy akong magtatrabaho para sa inyong kapakanan.”Sa kanyang mensahe, muling iginiit ni Senador Bong Revilla ang kanyang dedikasyon na magsilbi sa mga Pilipino at tiyakin na ang kanyang mga hakbangin sa lehislatura ay magbibigay ng positibong epekto sa buhay ng bawat isa.