“Senadora Imee Marcos, Dumalo sa Ikalawang Anibersaryo ng Pagiging Lungsod ng Carmona”

Lungsod ng Carmona, Cavite – Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ang ika-2 anibersaryo ng pagiging isang lungsod nito noong Pebrero 23, 2025 na ginanap sa CarSiGMA Gymnasium, na dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod na pinangunahan ni City Mayor Dahlia Loyola, mga opisyal ng lalawigan, Congressman Roy Loyola, Acting Municipal Mayor ng Silang Hon. Edward Carranza, at Municipal Mayor ng GMA Hon. Maricel E. Torres. Ang panauhing pandangal at tagapagsalita sa kaganapan ay si Senator Imee Marcos. Ang selebrasyon ng cityhood ay nagkaroon ng makulay na mga pagtatanghal at kompetisyon mula sa iba’t ibang paaralan ng lungsod na ginanap sa CarSiGMA Gymnasium.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Senator Imee Marcos, “Sarap bumalik dito para sa espesyal na selebrasyon ng 2025, lalo na’t mula nang maging component city ang Carmona noong 2023, iba na ang level ng lungsod. Noong nakaraan, ang pinag-uusapan ay agrikultura, pagsasaka, pagkain, at ang mga hamon ng kakulangan sa tubig at pagtuyo ng mga watershed. Ngayon, ang plano para sa Carmona ay maging Spark International City. Kasama ang SMC, tiyak na marami ang dadating na trabaho sa Carmona.”

Dagdag pa ng senador, “Ngunit nais ko ring magtulungan tayo upang pababain ang presyo ng mga bilihin, dahil napakahirap pag-ipunan ang mga pangangailangan. Kaya’t nandito tayo para magtulungan at mapa-level up ang Carmona. At dahil ilang kilometro lamang ang Carmona mula sa Maynila, ang minimum wage ay hindi dapat magkaiba. Dapat P600 din dito – walang maiwan, walang lamangan. Sabi nila, kung mahal mamuhay, mas mahal magkasakit. Ngunit magandang balita, magkakaroon na ang Carmona ng extension ng Philippine General Hospital (PGH), isang 300-bed na ospital sa 2 hektaryang lupa na magkakaroon ng Memorandum of Agreement sa Department of Health. Ang aking ama ay matagal nang nagtataguyod na ang bawat rehiyon, lalo na ang Southern Luzon, ay magkaroon ng sariling heart center, kidney center, at lung center.”

Nagtapos ang senador sa pagsasabing, “Marami pang magandang balita, congratulations sa Lungsod ng Carmona. Sigurado ako na ang muling buhayin ang Sorteo ay magbibigay ng bagong sigla at buhay sa lungsod. At higit sa lahat, huwag kalimutan, anuman ang problema, Imeesolusyon.”

Related Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *