Pagtutulungan, susi sa tagumpay ng Kooperatiba: Sen. Imee

MAY napakahalagang papel ang kooperatiba sa pagpapalago ng ekonomya at sa pagsulong ng lipunan.

Ito ang binigyang-diin ni Senadora Imee Marcos sa ginanap na pagtitipon ng mahigit 100 kooperatiba mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon sa Center for Cmmunity Development sa Tagaytay City, Cavite.

Sa pagtitipon, binalangkas ng mga dumalong opisyal ng koop para sa kalo pang pagtatagumpay ng kooperatibismo, sabi ng senadora.

 ” Mahalaga at kinakailangan ang inyong adbokasiya dahil tinutulungan ninyo ang inyong mga miyembro upang umunlad at magtagumpay,” sabi ni Marcos.

Masiglang binati ng senadora, tagapangulo ng Senate Committee on Cooperatives, ang mga nagtipong kooperatiba sa  pagkakaroon nila ng social purpose.

“Natutuwa ako na ang CCTFED, bagamat bago pa lamang, ay marami nang nagawa sa pagmomobilisa at pag-oorganisa ng iba’t ibang kooperatiba,” sabi Marcos.

Kinilala niya na maraming hamon ang maaaring humadlang sa nais na tagumpay ng koopetatibismo, gayunman, hinikayat ni Marcos na  mahalaga ang pagtutulungan, ang pagsasama-sama ng mga indibidwal na may iisang layunin, ideya, at paninindigan. “Siyempre, maraming hamon ang kinakaharap ng mga kooperatiba, kabilang na ang kung paano maitatag at maisasagawa nang permanente ang Coop Development Council at mga Coop Development Officer sa lahat ng antas ng pamahalaan. Napakahalaga na maitatag ang mga tungkuling ito upang masiguro ang tagumpay at mga nagawa ng ating mga kooperatiba,” wika ni Marcos./Janeth W. Bilbao

Related Post