Panahon nang palakasin ang PNP Maritime Command: Sen. Tolentino

PALAKASIN ang PNP Maritime Command: Ito ang ipinanukala ni Sen. Tol sa kanyang mensahe sa pasinaya ng bagong PNPA Amphitheatre at sa pagbubukas ng Cadet Corps Intramurals ngayong taon na ginanap sa PNPA Grandstand

NAGPAHAYAG ng malakas na suporta si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa matagal nang panawagan na palakasin ang puwersa at kakayahan ng Maritime Command ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng tumitinding hidwaan at agawan sa karapatan at teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

“Suportado ko ang pinalakas na PNP Maritme Command,” sabi ni Sen. Tolentino sa kanyang mensahe sa harap ng mga opisyal at kadete ng PNP sa Camp General Mariano Castaneda sa Silang, Cavite nitong Miyerkoles, Nob. 20.

Bilang panauhing tagapagsalita, sinabi ng senador mas kilala sa tawag na “Sen. Tol,” na sinusuportahan niya ang pagtatatag ng regional headquarter ng PNP Maritime Command sa Luzon (Mindoro Oriental), sa Visayas (Ceb) at sa Mindanao (Sulu).

“Malaki ang maitutulong ng tatlong regional headquarters na ito sa Philippine Navy at sa Philippine Coast Guard para harapin ang kasalukuyang hamon sa ating maritime zones, lalo na sa West Philippine Sea,” pahayag ni Sen. Tol, chairman ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones.

Iminungkahi rin ni Sen. Tolentino na ituro sa mga kadete ng PNPA ang mahahalagang probisyon ng Philippine Maritime Zones Act (Republic Act 12604) at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act (RA 12605.

Kamakailan ay pinirmahan ni President Bongbong Marcos ang dalawang batas na si Tol ang punong-may-akda at isponsor.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinang-ayunan ni Police Brigadier General Christopher Birung, pinuno ng PNP Academy ang mungkahi ng senador.

Ayon kay Tolenitno, maaaring ituro ng mga dean of academics and corps professors ang dalawang batas bilang elective subjects sa mga kadete ng PNPA.

“Ang ating mga kadete ay magiging opisyal ng PNP sa hinaharap kaya kailangang malaman nila ang kahalagahan ng pagprotekta sa ating karagatan, gayundin sa integridad ng teritoryo at soberanya ng bansa,” paliwanag ni Sen. Tolentino.. /BB News Desk

Related Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *