CAVITE– Nitong nakaraang linggo, si Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino ay walang patid, tuloy-tuloy ang personal na pagdadala ng tulong ng kapatid ng mamamayang Pilipino na kamakailan ay labis na pininsala ng bagyong “Kristine.”
Sa mga bayan at lungsod ng kalapit na probinsiya ng Batangas, binisita ni Sen.Tol ang mga pamilya na namatayan ng kaanak na natabunan ng pagguho ng lupa.
Dala ang tulong, ang pakikiramay ng senador sa mga biktima ay malaki ang naitutulong upang lumakas ang loob at magtiwalang muling makababangon.
Ayon sa isang tauhan ni Sen. Tol, kungdi abala sa mga hearing sa Senado, nasa biyahe sa iba-ibang lugar sa Calabarzon, sa Metro Manila at iba pang lugar ang abogadong mambabatas.
Kamakailan, nasa Carmona City si Sen. Tol na mamigay ng tig-P2,000 tulong sa Women’s Welfare sa siyudad.
Kasama ang pamangking si Cavite Gov. Athena Tolentino, namahagi ang senador ng mga tulong sa mga kababayang nasalanta ng nakaraang bagyo.
At ang pangako:”Ang gobyerno at ang mga ahensiya nito ay naririto para sa inyo ay tumulong.”
Kasama ni Sen. Tol na namahagi ng tulong sina Mayor Dr. Dahlia Loyola at 5th Dist. Rep. Atty. Roy Loyola na nagpasalamat sa pagmamalasakit ng kababayang mambabatas.
Nang araw na iyon, matapos ang pag-aabot ng tulong at pangako ng tuloy-tuloy na serbisyong kapatid sa mamamayan, agad na nagtungo si Sen. Tolentino sa Caloocan City para doon naman maghatid ng ayuda sa mga biktima ng kalamidad.
At matapos niyon, tutungo siya sa Cebu City at ilan pang lugar sa Visayas upang maghatid ng tulong at pag-asa sa mga kababayang Pilipino. /Domz B. Caoile