Team AJAA, nagharap ng COCs; nagsuko ng mga baril

LAST day ng filing of COCs, humabol ang AJAA Team para pormal na ihayag sa mamamayang Imuseno na tatakbo sila para sa kanilang sunod na ikalawang termino sa May 12, 2025 midtierm elections.

Sumaksi po ang BantayBalita sa paghahain ng kandidatura ni incumbent Mayor Alex ‘AA’ Advincula, kasama si Vice Mayor Homer ‘Saki’ Saquilayan at mga katiket na konsehal.

Unang sinamahan ng Team AJAA si reelectionist 3rd Dist. Rep. AJ Advincula na nag-file ng kanyang COC sa Comelec provincial office sa Trece Martires City, at kasama rin nila si 3rd Dist. reelectionist Provincial Board Member Ony Cantimbuhan.

Bawat isa sa nagharap ng kandidatura ay kasama ang kani-kanilang pamilya at maraming supporters na sumisigaw na “Mabuhay si Mayor AA!,” ” Mabuhay Congressman AJ” at mga pangalan ng katiket sa Team AJAA.

Salamat at napaunlakan kami at katropang Cavite Press Corps na maintierbyu si Mayor AA at kanyang sinabi ang malaking pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanilang team noong nakaraang 2022 elections.

Aniya, ang tiwala ng mamamayang Imuseno ay sinuklian ng Team AJAA ng maayos, matapat at maaksyong paglilingkod.

“Sa mga susunod na buwan, sisimulan na natin ang pagtatayo ng malaking auditorium, malalaki at modernong paaralan, alam nyo, priority natin ang edukasyon ng ating mga kabataan,” sabi ni Mayor Advincula.

“Performance po namin ang aming inihaharap sa ating mga kababayan, ” sabi ni Mayor Advincula na ito ay sinundan ng malakas na palakpakan ng kanyang mga supporters.

Sabi pa ni Mayor AA, sa ipatatayong malaking health center, “Libre po sa ating mamamayan, basta may doctor’s prescription, wala pong babayaran sa laboratory at iba pa.”

Aniya pa ng alkalde, maging ang taga-ibang lugar, napapansin ang malaking pagbabago sa Imus City.

Kasunod na sinaksihan natin ay ang personal na pagsu-surrender ng Team AJAA sa pangunguna ni Mayor Advincula ng mga lisensiyado at may permit to carry outside residence na mga baril sa opisina ni Imus Component City Police Station head, Lt. Col.Alfie M. Salang.

Ito, sabi ni Mayor, ay pakikiisa nila para sa mapayapa at maayos na election sa Mayo 2025.

Related Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *