KASUNOD ng pagtanggap ni Cavite Gov. Jonvic Remulla sa paghirang na maging Department of Interior and Local Government secretary, pumalit sa kanya bilang kandidatong gobernador si Cavite 7th District Board Member Abeng Remulla.
Nauna rito,nagharap ng certificate of candidacy (COC) si Gov. Remulla para sa ikalawang termino bilang gobernador sa 2025 midterm elections sa Mayo 12.
Magkasabay na nagharap ng kanilang COC sina Abeng at si Cavite 2nd District Board Member Ram Revilla bilang vice governor sa opisina ng Comelec sa Trece Martires City, noong Martes, Okt. 8.
Iniurong ni Jonvic ang kandidatura niya noong Lunes, Okt. 7 bago siya nanumpa noong Martes, Okt. 8 bilang DILG secretaryo sa harap ni President Bongbong Marcos sa Malacañang.
Si Abeng ay anak ni Justice Secretary Boying Remulla; anak naman ni Sen. Bong Revilla at 2nd Dist. Rep. Lani Mercado-Revilla si Ram.
Nakatatandang kapatid ni Ram si Jolo Revilla, dating vice governor ni Gov. Jonvic at ngayon ay reeleksiyonistang kinatawan ng Cavite 1st district./ Ma. Evita Rosa Taparan