Ito na ang tamang panahon: Babae naman sa Tanza!

BITBIT ang islogan na “Babae Naman! na nakapinta sa suot na t-shirts, sinamahan ng kanyang daan-daang  tagasuporta ang mag-amang Konsehal Icel del Rosario-Morales at dating alkalde ng Tanza, Munding del Rosario sa paghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) nitong nakaraang lunes October 7, 2024

Buo ang pagtitiwala sa sarili, sinabi ni Icel na btaglay niya ang mga katangian at karanasan upang maging alkalde ng Tanza.

“Ako po ay 3rd termer councilor, at sa loob  ng tatlong sunod-sunod na termino bilang konsehal, masasabi po na hinog na po tayo para hangaring maging mayor ng minamahal na bayan ng Tanza, sabi ni Icel sa harap ng kanyang tagasuporta.

Maitatala sa kasaysayan ng munisipalidad si Icel na kauna-unahang babae na nais maging punongbayan.

Katiket ni Icel ang kanyanga ama, si 7th district provincial board member Munding del Rosario na dating vice mayor at mayor ng Tanza sa loob ng maraming taon.

Naihalimbawa ni Icel na ang nanay ay siyang ilaw ng tahanan at siya bilang isang ina, maalam siya, makaranasan sa pamamahala  ng kanyang mga anak, kabiyak at kapamilya.

“Sa modernong panahon natin ngayon, napatunayan na kaya ng isang babae na gawin ang kayang gawin ng isang lalaki, at sa ating bayan ng Tanza, naniniwala ako, ito na ang tamang panahon, Babae naman ang dapat na iluklok na alkalde sa municipal hall,” sabi ni Icel.

Aniya, sa karanasan at kakayahan at talino, “Ako po ay handang-handa na upang maisaayos ang pamamahala sa ating bayan. Babae naman po ang ating subukan,” sabi ni Icel. /BantayBalita

Related Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *