Mahigit sa 120,000 Cavitenyo ang tumanggap ng biyaya at kalinga idinaos na 24th Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Cavite na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez.
Dala ang adhikang “Mabilis, Maayos, Maginhawa at Masayang Serbisyong Publiko,” binuksan ni Speaker Romualdez ang BPFS sa Kawit, katuwang sina Cavite Gov. Jonvic Remulla, Sen. Bong Revilla, 1st District Rep, Jolo Revilla, 2nd Dist. Rep. Lani-Mercado-Revilla, Agimat Partylist Bryan Revilla at halos 200 kongresista ng 19th Congress.
Sa harap ng nagkakatipong Cavitenyo, sinabi ni Romualdez na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay patunay sa pagnanais ni Pangulong BBM (Bongbong Marcos na walang maiiwan sa Bagong Pilipinas.
“Dito (BPSF), mabilis, maayos. maginhawa at masaya ang serbisyong hatid natin sa bawat Pilipino,” sabi nig Romualdez.
Ang BPSF, sabi pa ng Speaker, ay isa sa flagship projct ni PBBM na sinumulan noong 2023 sa layuning ilapit at ibigay sa mamamayang Pilipino ang nararapat na serbisyo ng gobyerno.
Sa Imus City, pinangunahan ni Mayor Alex ‘AA” Advincula, kasama si 3rd Dist. Rep. AJ Advincula at mga opisyal ng lungsod ang pamamahagi sa 10,000 Imuseno na benepisyaryo ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) program.
Bawat isa sa benepisyaryo ay tumanggap ng Php5,000 cash gift at 10-kilonh bigas mula kay Romualdez na tinaguriang Master of Rice.
Ang matagumpay na BPSF caravan ay tumakbo sa magkasunod na araw ng Biyernes at Sabado (Set. 27-28) na makikita ang pocket booth sa maraming lugar sa Cavite.
Tumakbo sa magkasunod na araw ng Biyernes at Sabado (Set. 27-28) naglagay ng pocket booth sa mga bayan at lungsod ng Cavite na doon, maayos na naisagawa ang CARD program, Integrated Scholarship and Incentives Program (ISIP) at Start-Up Investment, Business Opportunity and Livelihood Program (SIBOL).
Sa Gen. Trias, umalalay sina Mayor Jonjon Ferrer at 6th Dist. Rep. Ony Ferrer sa tropa ni Speaker Romualdez sa pamamahagi ng biyayang muna sa BPSF.
Sa kabuuan, nabatid na umabot sa mahigit na Php276-milyon ang naipamahagi ng CARD program at mahigit sa 255,500 kilong bigas ang natanggap ng mga benepisyaryo.
Target ng BPSF na makapagbigay ng serbisyo at tulong sa 82 probinsiya sa buong bansa. katuwang ang 61 agensiya ng pamahalaan. /BantayBalita