SENATE MAJORITY LEADER FRANCIS “TOL” TOLENTINO PABOR SA NAGING DESISYON NG LTO NA IATRAS ANG PAGHULI SA MGA MOTORSIKLONG MAY TEMPORARY O IMPROVISED PLATES. NANINIWALA SI SEN. FRANCIS “TOL” TOLENTINO SA NAGING HAKBANG NG LTO NA IATRAS ANG PANGHUHULI SA MGA MOTORSIKLONG GUMAGAMIT NG TEMPORARY O IMPROVISED PLATES NA DAPAT AY NGAYONG SEPTEMBER 01 MAGSISIMULA NGUNIT INIURONG ITO SA DECEMBER 31, TAONG KASALUKUYAN. AYON KAY SEN. TOL AY WALANG LOHIKA ANG NAUNANG MEMORANDUM NG LTO DAHIL HINDI KASALANAN NG MGA MAY ARI NG MOTORSIKLO O MGA ORDINARYONG RIDERS KUNG WALA SILANG OFFICIAL PLATE. DAPAT AY BIGYANG PANSIN DIN ANG KARAINGAN NG ATING MGA KABABAYAN NA GUMAGAMIT NG MOTORSIKLO DAHIL HINDI NAMAN NILA KASALANAN ANG PAGKUKULANG NG AHENSYA, NAUNANG SINITA NG SENADOR ANG LTO REGION 7 SA PLANONG PANGHUHULI NGUNIT ITO PALA AY NAKABASE SA MEMORANDUM VDM-2024-2721 NG LTO. MATATANDAAN NA SI SENADOR “TOL” TOLENTINO ANG PRINCIPAL SPONSOR NG SENATE BILL NO. 2555 NA NAGLALAYONG AMYENDAHAN ANG MGA KONTROBERSYAL NA PROVISION NG “DOBLE PLAKA” LAW O RA 11235