Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang walang humpay na pagre-repack ng family food packs (FFPs) gayundin ng mga non food items upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng bagyong Enteng na sinamahan ng Habagat.
“As instructed by Secretary Rex Gatchalian, we are ensuring that there are adequate FFPs and non-food items in the National Resource Operations Center (NROC) and the Visayas Disaster Resource Center (VDRC) which can readily be dispatched to areas hit by Enteng,” sabi ni DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokespersob Irene Dumlao.
Ang NROC na matatagpuan sa Pasay City, ang nagsisilbing main disaster response hub ng DSWD habang ang VDRC naman na nasa Cebu City ang siya namang central disaster resource hub sa Visayas region.
Ayon kay Asst. Secretary Dumlao, ang Disaster Response Command Center (DRCC), ay patuloy na magmo-monitor at makikipagtulungan sa lahat ng Field Offices ng ahensya, gayundin ng National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (NDRRMOC), at iba pang concerned agencies upang matiyak na lahat ng posibleng tulong na kailangan ng mga apektadong pamilya ay maihatid ng mabilis at maagap.
“It was reported to us on Sunday that there are stranded passengers at the Tabaco Port in Tabaco City, Albay. Our DSWD FO in Bicol, in coordination with the concerned LGUs, has already distributed hot meals to these stranded individuals,” sabi pa ng tagapagsalita ng DSWD.
Sa ulat ng Disaster Response Operations Management, Information, and Communication (DROMIC) ngayong araw, may kabuuang bilang na 6,052 families o 24,043 indibidwal sa 76 barangays ng Regions V (Bicol), VII (Central Visayas), and VIII (Eastern Visayas ang apektado na ng mga pag-ulan.
Umabot naman sa halos 909 families o 3,736 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa 31 evacuation centers ng tatlong rehiyon.
Nakapag-abot na ang DSWD ng inisyal na Php410,000 halaga ng tulong sa mga naapektuhang pamilya.
“Other DSWD FOs are on standby for possible inter-FO augmentation. We ensure that all our offices are ready to provide assistance as the need arises,” dagdag pa niAsst. Secretary Dumlao.
Samantala, mayroon namang mahigit 1.74 million boxes ng FFPs at Php1.21 billion halaga ng FNIs ang available sa DSWD NROC, VDRC, at Field Offices. (DSWD)