BUKOD sa ipinamigay na tulong pinansiyal na P20,000 sa bawat pamilyang nasunugan kamakailan sa siyudad ng Cavite, ipinabatid ni Sen. Christopher Lawence Go ang tungkol sa Emergency Housing Assistantce Program (EHAP).
Ayon kay Sen. Go, ang EHAP ay isang programa ng National Housing Authority na itinayo ng gobyerno upang magbigay ng tulong sa mga mamamayang nasa krisis at matindi ang mga pangangailangan dulot ng pinsalang dulot ng kalamidad, tulad ng sunog, baha, at iba pang disaster.
Dumalaw si Sen. Go noong Lunes, Agosto 26 sa lungsod upang mag-abot ng tulong, kasama si y Mayor Denver Reyes Chua at mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office at iba pang lokal na opisyal ng pamahalaang lokal.
Kasama ang Malasakit Team, nagbigay ng grocery packs, gamot, vitamin supplement, mga basket at volley ball, water bottle, face mask, alcohol, cellphone, bisikleta at iba pang kagamitan sa ilang napiling benepisyaryo.
Isang senior citizen ang masayang tumanggap ng isang wheelchair at munting halaga mula kay Sen. Bong.
Isa namang PWD ay binigyan ng cash aid at tungkol na pantulong sa paglalakad.
‘Naririto po kami upang damayan kayo sa inyong hinaharap na hamon sa buhay. Nagpapasalamat po kami kay Mayor Denver at sa kanyang staff sa matamis na pagtanggap sa amin,” sabi ng senador.
Ani pa ni Sen. Bong, ang aktibidad ay bahagi ng kanyang adbokasiya na laging tumulong sa mga kababayang nasa gipit na kalagayang sa pamumuhay.
Ipinaliwanag niya na ang EHAP ay isang programa ng murang pabahay ng National Housing Authority (NHA) na ang benepisyaryo ay mga indibidwal at/o pamilyang dumaranas ng krisis ang pamumuhay sanhi ng kalamidad, pagkawala ng kabuhayan at hanapbuhay.
Ipinaalaala ni Sen. Go na tangkilikin ang naipatayong Malasakit Center sa Gen. Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City at sa Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City.
Ang senador ang pangunahing may-akda ng Malasaki Center Act of 2010 (Republic Act No.11463) na ito ay isang one-stop shop na tumutulong sa mahihirap tungkol sa mga gastusin sa ospital, doktor at mga gamot.
Magkakasama sa iisang bubong sa pagmamalasakit sa mga maysakit ang Department of Health (DOH), Depatment of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay Go, may itatayo pang 17 Malasakit Center sa bansa at isa rito ang itinatayo sa Batangas City.
Sa kasalukuyan, may operational na 159 na Malasakit Center sa iba-iba panig ng bansa na nagsisilbi kahit sa may mga karamdaman sa puso, baga at iba pang malulubhang sakit.
Kaugnay nito, nanawagan si Sen. Go sa gobyerno na alisin na ang sistemang single confinement sa mahihirap na maysakit at nakiusap sa PhilHealth na maisama sa programa nito ang dental check-up sa mahihirap na pasyente.
Sa huling mensahe, nanawagan ng pagkakaisa si Sen. Go at ang pasasalamat sa pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Chua sa maagap na pagtulong sa mga biktima ng sunog at iba pang kalamidad sa kanyang mga kababayan.
“Naririto po kami upang kayo ay damayan at tulungan at tandaan po natin, sa ating pagtutulungan, lahat tayo ay makababangon sa mga hamon sa buhay na ating hinaharap. Sa sama-sama nating pagtutulungan, babangon tayong lahat,” sabi ni Sen. Go.