Sa pagsasagawa ng ika-126 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, nagtipon ang mga Bacooreño sa Plaza de Padre Mariano Gomez sa Barangay Poblacion upang ipagdiwang ang mahalagang okasyon. Pinangunahan ito ng Bacoor City Culture, History, Arts and Tourism Department at ng Office of the Mayor sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla.
Kasabay ng pagdiriwang, ginunita rin ng mga opisyal ang mga bayaning martir sa pamamagitan ng pagaalay ng bulaklak sa Monumento sa Plaza de Mariano Gomez. Ito ay pinangunahan ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, pati na rin ng iba pang mga opisyal mula sa iba’t-ibang sektor at departamento.
Ang pagdiriwang na ito ay nagbigay-diin sa pagiging makabayan at pagpapahalaga sa kasaysayan ng mga Bacooreño na patuloy na nagbibigay inspirasyon para sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. (PR)