Masiglang Pagtanggap ng Imus City Zumba Participants kay Senator Imee Marcos

Lungsod ng Imus, Cavite – Isang masigla at makulay na “Zumbarangay” event ang nagtipon sa mga Zumba enthusiasts mula sa iba’t ibang barangay ng Imus City, na nilahukan ng 30 grupo. Ang programa, na ginanap noong Disyembre 22, 2024 sa Imus City Sports Complex, ay pinangunahan nina Mayor Alex Advincula, Vice Mayor Homer Saquilayan, at ng Sangguniang Panlungsod. Kasama rin sa okasyon sina aspirant Board Member Ony Cantimbuhan, Vice Governor Shernan Jaro, at ang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita, si Senator Imee Marcos.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni City Mayor Alex Advincula ang paghanga kay Senator Marcos, na kanyang binigyang-pugay sa mga salitang, “Napakapalad natin at malimit tayong pinapasyalan ng ating Idol. Nang makasama ko ito, napakagaling, napakatalino, napakaraming solusyon na talagang dapat gawin sa ating bansa. Siya ay napakasimple lang at napakadown-to-earth—talagang naaabot-abot natin siya.” Hinikayat din niya ang mga dumalo na suportahan ang kandidatura ni Senator Marcos sa darating na halalan, at idinagdag, “Pag-uwi niyo sa bahay, humihingi ako ng tulong na gawin uli nating Senador si Senator Imee Marcos. Dapat No. 1 or No. 2 ang ating panauhin.”

Sa kanyang pananalita, pinuri ni Senator Marcos ang tagumpay ng programa at ang masiglang partisipasyon ng 30 Zumba groups. Masaya niyang sinabi, “Tuwang-tuwa akong makapiling ang mga participants. Alam niyo, yong mga Senior Citizens na kababayan ng mama ko na mga Waray, nagpapasalamat dahil sa wakas natanggap na nila yong social pension na isang libong piso kada buwan para sa mga mahihirap na Senior Citizens.” Ipinaliwanag din niya ang pagpapalawig ng Centenarians Act, at sinabi, “Tapos napahaba na rin natin ang batas na ito. Kelangan bigyan din natin ng pansin ang mga edad 80, 90, at saka 95 na may matanggap din mula sa ating pamahalaan.”

Bilang pangwakas, nagpasalamat si Senator Marcos sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Imus at ipinangako ang patuloy na suporta sa lungsod. Aniya, “Masaya ako at nakapunta ako. Ayokong lumipas ang taon na hindi ako makabalik sa Imus. Sa kabila ng lahat ng problema, Imeesolusyon—tayong lahat ang solusyon.” Ang kanyang mensahe ng pagkakaisa at pag-asa ay nagbigay-inspirasyon sa mga dumalo, na umuwing may ngiti at pananabik para sa mas magandang kinabukasan.

Related Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *