CAVITE — Kahit walang kalamidad, tulad ng bagyo, matinding pagbaha o anomang kailangan ng dagliang tulong, agad-agad, parang “Boy Scout” laging handa si Senador Francis ‘Tol’ Tolentino sa pagtulong.
“Si Senator Francis po, ay hindi na kailangang paalalahanan pa, basta sa pagtulong, ready siya. He had a compassionate heart sa ating kababayan,” sabi ng isang Senate staff.
Ilang ulit na nating nakita si Sen. Tol (palayaw niya mulang sa salitang “Utol” o Kaputol ng pusod na katumbas ng kapatid sa dugo at laman) sa pamimigay ng tulong sa mga nasalanta ng sunog o ng katulad ng magkasunod na bagyong “Kristine” at “Leon” sa ating lalawigan.
Hindi lang pag-aabot ng tulong — relief packs, gamot, mga gamit at pinansiya — ang nasaksihan namin na ibinibigay ng abogadong senador ng bayan.
Sa panahon ng pagbisita niya sa maraming kababayan, dala ni Sen. Tol ay pag-asa at laging kahandaang tumulong, pinansiyal, medikal at maging sa mga problemang legal.
May staff si Sen. Tolentino na umaasikaso sa mga kababayang may hinaharap na kaso sa piskalya at sa hukuman.
At ang mabuti, walang itinatangi, walang pinipîli ang opisina ni Tol Senador sa pagtulong.
Mahalaga sa nasalanta ng kalamidad ay ang personal na pakikiramay, at ito, sa nakaraang ilang linggo ay walang pagod na ginagawa ni Sen. Tolentino.
Narinig namin ang pakikiramay niya sa mga mangingisdang naapektuhan noon ng oil spill sa Bataan.
Nakapagpapalakas ng loob ng malambing na pagyakap sa isang inang nawalan ng bahay; sa isang ama na nawalan ng panghanapbuhay.
At sa nakaraang dalawang bagyo, mandin, hindi napapagod si Utol Senador.
Isang araw, nasa Laguna siya; isang araw, ang staff niya ay nagpapahatid ng tulong sa mga lungsod at bayan sa Calabarzon, at nito lang, muli, bitbit ang ayuda, mga salitang pampalakas-loob upang makabangon sa sakuna ang binibigkas ni Sen. Tol.
Hindi lang ayuda ang nagpapatingkad sa lakas ng loob sa pagbangon.
Ang marinig na sabihin niya na,”May awa po ang Diyos, makakabangon po tayo. Naririto po ako, naririto ang gobyerno, hindi kami bibitaw sa pagtulong.”
Salitang ito ay pampataas ng moral at ang hikbi ng kalungkutan ay mapapalitan ng tiim sa puso at pagnanais na muling makabangon.
Walang kalamidad na tatalo sa isang senador na lagi na, handa, anoman pagkakataon sa pagtulong.
Kaya tama, angkop ngang itawag kay Atty-Senador Francis ang palayaw niyang Sen. Tol. (Domz B. Caoile)