Medical Mission sa Cavite ni Sen. Tol Tolentino

NItong Miyerkoles, Okt. 9, masuwerte kami na sumaksi sa isinagawang medical mission ng ating kabayang Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino sa Cavite City, , sumunod sa mga bayan ng Rosario, Noveleta, Kawit at Bacoor City.

Nakita natin kung gaano ang katuwaan ng mga seniors at PWDs na tumanggap ng wheelchair, at may tumanggap ng reading eyeglasses, palibreng pagpapagawa ng pustiso, ang mahal pa naman ang magpagawa nito, at may mga tumanggap ng iba pang uri ng tulong mula sa tanggapan ni Sen. Tol.

Sa maraming pagkakataon, nagbigyan ng katulad na kalinga sa mga kababayan nating nasa krisis ang buhay tulad ng mg nasunugan sa Cavite City noon, ang mga nawalan ng hanapbuhay gawa ng Bataan Oil spills, at ang free legal assistance sa mga may hinaharap na problemang legal.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Sen. Tol na magkaisa tayo na supoprtahan ang gobyerno na ginagawa ang lahat ng paraan upang mapagaang ang buhay at kabuhayan ng mamamayang Pilipino.

Sinabi ng ating makisig na senador at abogado na magkaisa po tayo, magturingan po tayo na tulad sa magkakapatid, magkakilala at magkakaibigan.

Sa pagkakaisa, kahit anong mabigat na dalahin sa buhay, mapagagaang, at ito ay malulutas, sabi ni Sen Tol, na noong Sabado, Okt. 5 na nag-file na rin ng kanyang COC para sa kanyang second term bilang senador.

Binati rin niya si Gov. Jonvic Remulla na ngayon ay ating bagong DILG secretary, at hinikayat ni Sen. Tol na suportahan si Sec. Remulla sa mga pagbabagong gagawin sa local government at sa PNP at iba ang agency na nasa ilalim ng kanyang departamento.

Siyanga pala, congratulations po kay VG Athena Tolentino na nanumpa na bilang una nating Lady Governor, kasunod po ng automatic resignation ni Gov. Jonvic sa pag-upo niya bilang DILG secretary.

Wow, tiyak magiging maganda ang patakbo sa Kapitolyo ngayon na mayroon tayong kauna-unahang Lady Governor sa kasaysayan ng Cavite.

At atn rin binabati, si dating Imus topnotch Councilor at 3rd Dist. Board Member na ngayon ay ang ating bagong Vice Gov. Shernan Jaro.

Kami po sa BantayBalita ay buong-buo ang suporta sa inyon gagawing programa at proyekto sa ating lalawigan.

Para sa inyong komento, magmensahe lamang sa domzcaoile@yahoo at sa News Desk: taparaneliseo@gmail.com

Related Post